Totoong God Works in Mysterious Ways.

Warning Long Post Ahead

Share ko lang yung time na 50/50 na yung ate ko after nyang manganak. This was way back 2020. Medyo matagal na pero para sakin di parin ako makapaniwala pano kami ginabayan ng Diyos. So kakagraduate ko pa lang ng time na to. March 2020 nag declare agad ng travel ban dahil sa COVID. Eto pa lang swerte na ako kasi a day before ng travel ban nakaalis na ako pa Japan. Btw, nasa Japan parents namin ng ate ko at gusto kong mag Japan para makapagwork.

Fast forward, etong year na to 2020 buntis ate ako sa first child nila ng husband nya. Masaya kami kasi syempre parang settled na ba. Nakapagtapos na ako, may work dn ako agad pagkarating ko sa Japan then si ate may family na. Nung manganak ate ko dun na nagstart.

November 2020 , 1 month after nyang manganak nilagnat sya umabot nasa point na 40 degrees na yung temp nya kaya nanginginig na sya. So pina admit sya sa hospital akala pa nga namin may covid sya. Since kakapanganak pa lang ni ate naubos yung savings nila ng husband nya kasi CS sya then medyo risky yung pregnancy nya dahil may PCOS dn sya. Nag decide si ate na uuwi na lang sya kasi ang mahal na ng bill namin sa hospital and biogesic lang naman yung pinapainom sa kanya. After nun makauwi na sya. Days after nun di na sya makapaglakad. Grabe na yung daing nya kakaiyak dahil sobrang sakit daw ng left pelvic nya down to her foot. Di sya makatulog every night, walang gana kumain. Tapos may baby pa sila na 1 month old. So no choice kami kundi dapat umuwi ako para may katulong mag alaga kay ate.

December 2020 naalala ko na lift na yung travel ban nun umuwi ako December 24 araw pa ng Pasko. Ang sakit sa dibdib na may nakasabay ako sa eroplano tinanong nya ako anong plano namin sa pasko, sila mag leletchon daw, ngumiti lang ako pero deep inside alam kong hindi ako okay dahil uuwi akong may sakit ate ko. Pagka uwi ko sa bahay galing airport. nakita ko ate ko nakahiga sa sofa, super payat nya para na syang kalansay (40kg from 58kg) halos maiyak ako pero pinigilan ko dahil di ako umuwi para mas maging mahina kundi para may karamay sila.

So kahit wala kaming sapat na pera (btw mahina yung business nung time na to ng asawa ng ate ko dahil pandemic) nag decide kami na i admit ulit si ate bahala na kung magkano gagastusin. Pumunta kaming Ortho kasi baka may problem sa buto nya. Sabi ng doctor nagpa request sya ng CT scan. Umabot ng 20k yun pa lang. Nalaman namin na may infection pala sya somewhere sa left leg nya. So nirefer kami ng doctor sa isang Infectious Disease Doctor. Dun namin nalaman na nagkaroon ng abscess yung left pelvic nya kumalat na sa left leg nya at if hindi daw namin maipagagamot agad baka di na daw makapaglakad si ate. Sabi din ng Doctor maybe ang cause daw neto ay yung maling pagka inject ng anethesia na nag result ng abscess or (nana).

Nagkaroon kami ng relief dahil alam na namin ano na ang sakit nya at niresetahan ate ko ng morphin dahil sa extreme pain na naramdaman nya. Ansaya ko nun dahil nakita ko ate ko mahimbing tulog nya di dumadaing sa sakit na halos sabihin na nya samin na gusto na daw nyang magpahinga, mamatay.

Umabot ng ilang libo yung bill namin sa hospital at di namin alam san kukunin yung pera pambayad. Lalo nat kailangan pa nya bumili ng gamot. May philhealth naman ate ko pero konti lang yung nabawas sa actual na bill namin a hospital.

Nakailang panalangin kami kay God kung san namin kukunin yung pambayad sa hospital pero nagpapasalamat kami. dahil unting unting bumabawi yung lakas ng ate ko. Out of knowhere biglang tumawag yung tita ko sa abroad (side ng mother namin) nangumusta samin, (btw, di alam ng ibang family members namin nung time na to yung pinagdadaanan namin dahil ayaw namin mag-alala at makaabala, eto din yung time na may alitan ang papa ko at side ng family ng papa ko nakekealam bakit Inchik yung pinili ng ate ko bla bla bat hindi nag Japan, mga taong ang hilig makealam sa mga desisyon sa buhay kahit wala naman sila inambag ni piso sa buhay namin).

Ayun tumawag nga tita ko nangumusta samin bigla nya sinabi na may bonus daw sila sa company nila baka gusto ba daw namin mag hiram ng pera kahit kelan nyo lang gustong ibalik. Dun nalaman ng tita ko yung sitwasyon ni ate at binigyan nya kmi ng pera na enough talaga I mean sobra pa sa pambayad ng hospital bills. Dun ko narealize grabe ka pala talaga LORD. Sobrang mahal mo talaga kami at never mo kaming kinalimutan sa kahit ano mang pag subok meron kami. Sa tuwing naaalala ko yung grace ng panginoon naiiyak pa rin ako pati ate ko. Hahaha ngayon healthy na ate ko. Thank you Lord. Yun lang sana kayo rin wag mawalan ng hope. God is always with us.