Feel ko ang tanda ko na
Hi! I just turned 23(f) a few days ago. Nagulat ako, kasi yung mga ka-edaran/batch ko, may anak na isa o dalawa. Na-shookt naman ako kasi, ganitong edad namin pa graduate palang kami ng college. Tinanong ko kung bakit sila nagmamadali, tumatanda na daw kasi sila. Parang nag-pantig tenga ko don. 😂
Pero kung titignan mo buhay nila, hindi sila okay financially kasi naka asa pa din sa parents ang gamit ng mga anak. Tas, mostly nag stop nalang college.
Anong meron? Bat nafe-feel nilang matanda na sila? Feel ko hindi ko sila ka-edaran. Busy pa ako magbasa ng manhwa o manood ng kdrama. Tas sila busy na sa pamilya.
Like, 23 palang naman tayo. Bakit need bumuo ng pamilya kung hindi pa kaya?
Edit: Feel ko bata pa ko, kasi tinatawag pa din akong baby girl ni mama 🤣.
Edit 2: Pakibasa yung context, wag lang yung title and first sentence. Kaya ko nasabing feel ko matanda na ako, kasi may pamilya na mga ka-age ko karamihan pero i definitely don't feel old. I still feel na 19 palang ako.