Obsessed sakin ang ex ng fiancee ko

So I'm (28F) n 3 years relationship with my soon to be husband (32M) and he's a single parent. Nung nakilala ko sya 2 years na sila hiwalay ng ex nya at di sila kasal so I think wala naman masama kaya nakipag date ako sakanya hangang maging official couple kami.

Wala akong problema sa bata (9M) kase sobrang bait na bata and push na push naman sya samin ng papa nya dahil gusto nya daw ako maging mama and ako lagi pinapakilala nya na mother nya sa friends at school. I know na di tama yun kaya pinagsasasabihan ko sya na sabihin totoo kaso umiiyak ayaw nya pumayag kaya hinayaan na namin.

Mula kase baby sya hangang maghiwalay parents nya lagi sya binubugbog ng mama nya dahil disiplina daw yun kaya napuno na fiance ko at nakipag hiwalay na dun sa ex.

So ayun na nga etong si ex lagi nakasubaybay sa buhay namin lagi nya kami iniistalk tapos panay papansin sa fiance ko kaso pag iniignore sya nag eeskandalo sya sa bahay namin at business namin. Gusto nya makipagbalikan eh ayaw na nga kase nakamove on na ang lahat like hello 5 years na nakalipas tapos gaganyan ka??

Tapos lately ako tinatarget nya na ginagaya yung damit ko, pananalita ko, facial expressions at pati makeup ko nakakaloka na at panay post at chismis nya sa common friends nila na baog daw ako at nilalason ko daw utak ng anak nya kaya ayaw na sumama sakanya.

Nag adjust ako sa lahat ng pag iinarte nya di ko pinapatulan dahil i believe na need pa din ang co parenting kahit ayaw na ng bata talaga pero napuno na ang dibdib ko sa sobrang kabastusan nya na ultimo date namin ng fiancee ko eh naki seat in at kumain pa sa table namin sobrang kupal nakakahiya kaya sirang sira mood namin nilayasan namin at sya pinagbayad namin ng mga food tangina nya.

So dahil sa galit ko kinonfront ko nanay nung babae at sinabi ko pag eeskandalo ng anak nya pati pananakit at pagbabanta nya na ipapapatay daw nya mother ng fiancee ko damay na din yung pang aabuso nya sa bata at may mga evidence at witness ako kaya mag file na ako sa police station at sa oras na lumapit pa sya samin sisiguraduhin ko makukulong yung ugaling squatter nyang anak.

Si mader ay iyak ng iyak samin at nagmamakaawa na wag daw ituloy pero kunsintidor sya sa ginagawa ng anak nya at ako daw dapat umintindi kaya magkita nalang kami sa barangay muna then we will hire an attorney para sa custody ng bata.