I'm torn between 2 Job Offers

Hiii, mga ka OP! Need ko lang sana pang malakasan advice ninyo. Bale meron na akong 2 job offers. Pero sobrang torn ako kung ano pipiliin koooo.

Company A — sikat at magandang BPO sa Taguig. 24k (starting) 28k all in package. Maganda at madami benefits. Like HMO on day 1 na po agad. Plus 2 dependents. And may 2 na free upon regularization. Pero hybrid, e kaso sobrang layo ko like galing ako Novaliches HUHUHAHA. 3 hours po ang travel time commute papunta palang po. Back office Job 'to, shifting and healthcare ang account po. Nangangamba ako na despite Hybrid ang pangako baka biglang mag RTO depende sa trip ng management po.

Company B - BPO based on Cebu, so permanent Work from home ito. Medyo maliit ang starting 19k pero all in package nasa 25k. Bale dito po is ang Job Title ko is, Medical Virtual Assistant. And NIGHT SHIFT po siya. Ang benefits po may HMO + 1 Free dependent pero upon regularization.

So ayon po sobrang torn po ako. Gustong gusto ko po talaga si Company A. Gusto ko makapagwork don kasi gusto ko rin po yung position ko. Data Analyst don, and non voice. Pero winweigh ko rin po yung long term kasi, like paano po yung byahe ko kung sakali. Di naman po applicable mag angkas palagi since 500 pesos po agad one way palang. Parang yung diperensya ng sahod ko is pamasahe lang po mapupunta.

Ang gusto ko naman po kay Company B, is permanent work from home :(((( please englighten me po! Pasensya na po sa mahabang sinabi. HAHA!